HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2, 3  Next
AuthorMessage
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:22

Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun.
Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala
rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno
nun eh. Sabi ko, "Shit! Ang galing nito ah." Natulala ako nang una
kong napanood si Batman. "Shit! Ang galing nito." sabi ko sa sarili
ko. "Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang
kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero
hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang
gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang
galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh.
Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong
nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot
and Friends at saka That’s Entertainment. Pero ako, isa lang talaga
ang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idol
ko talaga (Idooool!).

Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di
bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang
relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi
ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay
na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman.
Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo,
sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na
mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong
binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng
Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko "Tay, bili mo
naman ako ng batmobile o." Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun,
at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang
ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-
tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng
tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.

At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay tuluyan nang naglaho
mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking
kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na
aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at
kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na
ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay, dumaan ang mga
kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo’y kaibigan pero
yun pala’y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na
mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang
suweldo, isang milyong limpak na mga problema, isang bahada ng mga
hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na
matiis. Hindi ko na kaya.

Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko
na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak.
Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula!
Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa
tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng
hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay!
Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit
na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad!
Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka!
Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga
kamay!

Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman,
diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala
lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal.
Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa
tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning,
paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling
Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung
sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-
bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo…
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:25

Back to top Go down
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:45

anong kasaysayan naman eto metal? hahahaha
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:48

kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
Back to top Go down
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:50

metalheadph wrote:
kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha
Back to top Go down
Jhoanna
Ilaw ng Konek
 Ilaw ng Konek
avatar

Gender : Female
Date Joined : 2008-01-20
Reputation : 49

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:56

matanda na pala c 'Bataman'! rolling 4 laugh

________________________________
“If my mind can conceive it, and my heart can believe it, I know I can achieve it.”good luck
Back to top Go down
http://my2tenshi.blogs.friendster.com/my_blog/
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 14:58

RINGO STARR wrote:
metalheadph wrote:
kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha

pakinggan mo kasi sir ringo...
Back to top Go down
RINGO STARR
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-07-21
Reputation : 39

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 15:01

metalheadph wrote:
RINGO STARR wrote:
metalheadph wrote:
kasaysayan yan ni batman...hehehehe....
binasa ko tapos parang bitin ang ending hindi ko maintindihan parang nangarap lang siyang gising hahaahahaha... naka drugs ata siya hahahaha

pakinggan mo kasi sir ringo...
sige gusto ko kasi loud speaker iyon bang pati ang tainga ko abot sa ngiti ko hahaahaha nyahhh
Back to top Go down
palaboy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-08-10
Reputation : 17

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 15:07

maya ko n basahin ang kasaysayan ni batman. busy pa ngayon eh, hahahaha
Back to top Go down
Ailou
Administrator
 Administrator
avatar

Gender : Female
Date Joined : 2008-01-21
Reputation : 129

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Mon Nov 17 2008, 19:53

wala naman ako naintindihan,kahit tagalog sinasabi nya.. cow girl hinde kaya ngtitrip yung kumanta nyan :scratch:

________________________________

Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen.
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/ailou
jigs
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-03-26
Reputation : 23

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 08:39

sarap isayaw neto dancing sabay k saken duday dancing
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 15:31

funny lyrics,....this is the real artist,,,,...marunong maglaro ng salita,...si abe din,..hehehehe....post ka din dito abe...hehehehe...
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: GUSTO KO NG BABOY   Tue Nov 18 2008, 15:56

Gusto Ko Ng Baboy

by Radioactive Sago Project

Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Alam n'yo, bata palang ako mahilig na talaga ako
Sa baboy.
Lagi ako nagpapabili sa nanay ko ng baboy.
Sabi ko, "ma, bili mo ako ng baboy. yung cute.
Yung pink. yung maliit. yung may ribbon sa leeg."
Sabi ng nanay ko, "bakit mo gusting magpabili ng
Baboy, anak?"
Sabi ko, "dadalin ko sa eskwela. kasi nay, lahat
Ng tao mahilig sa baboy. malay mo, pag nakita ng
Teachers ko yung baboy, matuwa sila kasi gusto
Nila ng baboy eh. baka bigyan pa ako ng mataas
Na grado."
Sabi ng nanay ko, "hindi mo pwede dalhin ang
Baboy sa eskwela, anak! baka magkalat lang yan
Dun."
Sabi ko, "nay, hindi mo ako naiintindihan.buo ang
Loob ko, dadalin ko sa es-kwe-la."

Kaya
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Kaya, nung lumaki na 'ko, hindi parin nawala ang
Hilig ko sa baboy.
Palagi ako nagtratrabaho para makabili ng baboy.
Minsan nga, nagagalit na sa akin yung asawa ko
Dahil puro baboy, baboy, baboy na lang daw ang
Nasa utak ko.
Sabi niya, "walanghiya ka, puro ka na lang baboy,
Baboy, baboy, ang payat-payat mo naman!"
Sabi ko, "walanghiya ka rin, hindi mo 'ko
Naintindihan. baboy ang kailangan ng katawan ko.
Baboy ang kailangan ng katawan mo. baboy ang
Kailangan ng katawan nating lahat. hindi mo ba
Alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy,
Baboy, baboy. hindi mo ba alam, diyos mo ay
Baboy. baboy. tama. diyos natin ang baboy."

Kaya
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

Let's sow.. (2x)
Kaya
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gustong,
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko,
Gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy.
Gusto ko ng ba, ba, baboy man!

'lam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo.
May baboy na maliit, may baboy na medium-size,
May baboy na extra large, pero kahit anong gawin
Nila, baboy pa rin sila.
Pare-pareho lang mga baboy na yan.
Kahit anong sukat.. may baboy na dilaw, may
Baboy na asul, may baboy na pula, may baboy na
Puti, may baboy na pink, may baboy na green,
May baboy na violet, may baboy na orange, pero
Kahit anong kulay mga yan, baboy pa rin ang mga
Yan!
May baboy na matalino, may baboy na bobo, may
Baboy na macho.
May baboy na seksi, may baboy na bakla, may
Baboy na mahirap, may baboy na mayaman.
Mas baboy ka pag mayaman ka. may baboy na
Businessman, maybaboy na musikero, may baboy
Na makata, may baboy na basketball player, may
Baboy na baranggay tanod, may baboy na
Konsehal, may baboy na mayor, may baboy na
Congressman, may baboy na pulis, may baboy na
Teacher na nagtuturo ng kung anu-anong klaseng
Kababuyan.
Kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong
Magagawa.
Napapaligiran tayong lahat ng baboy!
Teka, pag-isipan natin 'to!
Baka, ako baboy, siya, baboy.
Ikaw, baboy. 'yun, baboy.
'di kaya... baboy tayong lahat!

Kaya
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy,
Ayoko na ng ba, ba, baboy, biik,
Ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy,
Ayoko na ng ba, ba, baboy man!
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 15:58

ayaw mo ng chicken? nakak hig blood ang baboy! nyahahaha
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 15:58

Gusto Ko Ng Baboy - Radio Active Sago Project

Pakinggan nyo ulit eto...enjoy the music...
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 15:59

sus nahihibload ako bro
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 16:09

hehehehe,..kanya kanyang trip lang yan ate...enjoy nyo na lang and get the message of the song...kelangan mo sumisid ng malalim para maintindihan nyo tunay na mensahe...hehehe...
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: ASTRO CIGARETTES by Radioactive Sago Project   Tue Nov 18 2008, 16:12

Para sa tunay na lalake
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot tumalon sa bangin
Para sa tunay na lalakeng lumalangoy sa salamin

Suwabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo

Para sa tunay na lalakeng lumilipad at lumulutang
Para sa tunay na lalakeng nagsi-swimming sa kalawakan
Para sa tunay na lalakeng kumakanta at niroromansa ang buwan
Para sa tunay na lalakeng kumakain ng buwan

Suwabe at mabango
'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo
Heto na ang totoo
Heto na ang totoo dahil...
Heto na, heto na ang...
Astro, Astro cigarettes
Astro, Astro cigarettes

Pagkatapos mong kumain, mag-yosi ka
Pagkatapos mong mag-yosi, matulog ka
Mahimbing ka, managinip ka
Mangarap ka...
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 16:14

Radio Active Sago Project - Astro - Radio Active Sago Project

Another Radioactive Sago Project songs,....enjoy ulit kau,...at mag isip ulit kau...hehehehe....
Back to top Go down
Ailou
Administrator
 Administrator
avatar

Gender : Female
Date Joined : 2008-01-21
Reputation : 129

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:18

Gusto ko makilala kumanta nyan,baka Gusto nya ng batok! :devil:

________________________________

Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen.
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/ailou
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:23

hahahaha!! sis ay baka d lang batok pati tadyak sama mo na rin!!
Back to top Go down
Ailou
Administrator
 Administrator
avatar

Gender : Female
Date Joined : 2008-01-21
Reputation : 129

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:24

inaantok ako sa kanta nya,infairness,wala ako maintindihan :devil:

________________________________

Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen.
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/ailou
Guest
Guest
avatar


PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:28

hahahaha! ako nag eenjoy!! nag eenjoy basahin ang lyrics!! nyahahah
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:30

hahaha...enjoy talaga yan...
Back to top Go down
metalheadph
Magiting ng Konek
Magiting ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-09-25
Reputation : 11

PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   Tue Nov 18 2008, 17:32

hahaha...batukan nyo si lourd de veyra....xa gumawa at kumanta nyan...hehehehe...astig ba?..
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT   

Back to top Go down
 
ANG ALAALA NI BATMAN by RADIOACTIVE SAGO PROJECT
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 3Go to page : 1, 2, 3  Next
 Similar topics
-
» CEF MM Citations for the Great War Project
» Project Runway
» Randy Littlebone - Batman, Robin and the Fires of Fall - A Halloween Story & Robin and Spiderman Get a Little Back
» Canadian Great War Project
» [ABA] Clan The Official Project Reality Clan of the British

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: Konek Musikahan-
Jump to: