HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Undas

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
wholesome_guy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-11-18
Reputation : 28

20090725
PostUndas

November 1, 2008. Ala una ng madaling araw. Habang mag isa kong tinatahak ang madilim na daan gamit ang mutor ko papasok sa trabaho ay may nasulyapan ako na grupo ng kabataan. Humigit kumulang na limang metro mula sa kinakatayuan nila ay napansin ko agad sila na tatlo sa kaliwa at dalawa sa kanan na daan. Medyo naka-isip ako ng kakaiba na baka may masamang plano ang mga yun na tingin ko ay mga nasa edad kinse hanggang disi-otso. Nakapwesto sila sa isang kanto na kung saan may madadaanan na hump na syempre obligado mag minor.

Nung sakto na nadaanan ko na ang grupo ng kabataan napansin ko na unti unti patawid sila ng daan na mas lalo nagpa-lakas ng hinala ko na may balak silang hindi maganda. Nilakasan ko lalo ang pakiramdam ko at bigla ko piniga ang silinyador sa kanan manubela ng aking mutor para bumilis ang andar hanggang sa nakita ko ang isang lalake sa bandang kanan na pumorma na manununtok. Sa bigla kong yuko at bilis ng mutor ay buti na lang at nailagan ko pero naramdaman ko yung kamao na humaging sa akin buhok. Hindi pa sila nakuntento at habang papalayo ako sa kanila ay nakita ko na lang ang isang bato na ga-kamao ang laki na dumaplis sa akin.

Nung medyo nakalayo na ako sa kanila ay nadaanan ko ang kumpare ko na pinara ako sabay sabi na kamusta at bakit daw ako nagmamadali. Kinwento ko ang nangyari. Nilabas nya ang kanyang revolver 38 at nilagay sa kanyang beltbag. Nilabas nya din ang kanyang cell phone at may tinawagan na pinapupunta nya sa lugar kung saan ako nakursunadahan. Sabay sabi sa akin… “Tara pare” Sabi ko “Pare hintayin muna natin yung tinawagan mo bago natin balikan yun”. Kaso bigla paandar din sya ng mutor nya. Hinabol ko sya kaso dahil mabilis at mas nauna sya sa akin eh di ko sya naabutan. Hanggang sa nadaanan nya din yung grupo at nakita ko na ganun din ang ginawa sa kanya. Hindi ko na sya nasundan kasi delikado na at nasa gitna na ng daan yung mga bumato at mas delikado kung de-derecho pa ako.

Pag dating ko dito sa pwesto ko ay tinawagan ko sya sa kanyang phone ng ilan beses kaso hindi sinasagot na mas lalong nagpalaki ng aking pag-aalala.

Nai-kwento ko sa dalawang customers ko ang nangyari at sabi nga sa akin na madami nga daw talaga loko sa lugar na iyon na kahit papaano naman eh matagal ko ng alam. Nung naka-upo na ako sa pwesto ko ay lumapit sa akin ang isa ko din na suki at kinamusta ako at balita nya daw ay may nangyari. Nag-kwento ako. Yun pala, yung bisita nya sa bahay nila ay parehas din ang sinapit sa akin. Inaya ako na balikan kasi mamimihasa daw yun mga yun pag hindi nabigyan ng leksyon. Ang sabi ko na lang ay may umaasikaso na.

Ilan sandali pa ay dumating yung kumpare ko kasama ang ilan mga lalake na sakay sakay sila ng isang tricycle. Sabi sa akin… “Pare ok na”. Sabi ko… “Pare pasensya ka na at naiwan kita sa ere at di kita nasundan”. Sabi nya ayos lang daw at mas delikado nga daw kung sumunod pa ako. Tinanong ko sya kung ano ang nangyari. Sabi nya… “Basta pare ok na. Binigyan lang naming ng isang putok para madala”. Tinanong ko kung may tinamaan sila. Sabi nya mukhang meron daw kasi yung isa daw eh hinahatak hatak ng isang kasama. Hanggang sa nagpa-alam na sya at sinenyasan ko na lang ng kaway ang mga kasama nya na hindi na bumaba ng tricycle.

Pero sa isang banda, naawa din ako kung talagang may tinamaan nga. Nakakalungkot din yung isipin na hindi na talaga safe ang mudo kahit pa sabihin tahimik tayo na namumuhay at walang ina-argabyado.

Kina-hapunan nag-teksan kami ni Pareng Oni at nakwento ko ang lahat ng nangyari. Sabi nya…. “Kuya Jo! May pagka Neo ka pala ng Matrix na magaling sa ilagan!” Hehehe. Sabi ko na lang kung sakali inabot ako ng suntok at nahatak ako sigurado gulpi sarado si WG. November 1 pa naman yun!
Back to top Go down
Share this post on: diggdeliciousredditstumbleuponslashdotyahoogooglelive

Undas :: Comments

avatar
Re: Undas
Post on Wed Jul 29 2009, 23:06 by wholesome_guy
Oo Ailou!

Pag nauwi ka ng Pinas pasyal ka sa amin dito ha. Tour kita!

lots of laugh
avatar
Re: Undas
Post on Wed Jul 29 2009, 22:48 by Ailou
saan ba daan nyan? kapag mag papa eb ka,dun mo ituro ang dadaanan nila :roll:
avatar
Re: Undas
Post on Wed Jul 29 2009, 22:45 by wholesome_guy
Jho... Mas matindi nga daw dati up to 1990's. Sobra gulo daw talaga dito dati. Pero ngayon ok na din.

Stryke... Oo yung tinuro ko sa iyo. Pero ngayon sa kanto mismo nun meron na brgy hall.

Ailou... Oo nga... Sa panahon ngayon ang dami na talaga lugar na hindi masyadong safe. Kahit wala ginagawa masama bigla bigla na lang nakukursunadahan.

Thanks sa comments. Kaya ko din pala na post ito para dun sa iba na gusto pumasyal sa amin para sa isang EB. Ano game na!

lots of laugh
avatar
Re: Undas
Post on Wed Jul 29 2009, 22:04 by Ailou
Delikado naman talaga di lang sa lugar nyo yata ..dami kasing mga adik nag ti-trip sino dumaan bubugbugin parang mga demonyo,sa lugar din nmin nakakaawa yung mga dayo ..yung ngayon lang nila nakita naglalakad biglang haharangin sasapakin sabay tatakbuhan,mga adik kasi..sa kanila kaya gawin yun,grabe sa Pinas ,walang takot! kaya ingat sa mga madidilim at di mataong lugar dyan yung madami mga Gago!
avatar
Re: Undas
Post on Wed Jul 29 2009, 20:39 by stryke
putsa bro dun ba yun sa tinuro mo sakin????


kung sakali pala sakin mangyari yun eh nagtumbahan na sila parating palang ako hehehehe
yan ay kung sakaling mangyayari yun sa akin at dala ko yung bodyguard ko tol
avatar
Re: Undas
Post on Tue Jul 28 2009, 07:07 by Jhoanna
Katakot naman jan sa lugar mo! Ingat lng talaga... Kumbaga kanya kanyang trip kasi yan! heee heeee
Re: Undas
Post  by Sponsored content
 

Undas

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: KP Bloggers-
Jump to: