HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 peace of mind!!!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
stryke
Konek Thread Setter
  Konek Thread Setter
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-11-19
Reputation : 19

20090809
Postpeace of mind!!!

bakit kaya may mga araw na ganito, ano?
parang sa palagay ko'y di na matatapos ito
parang ang habahaba na parang walang katapusan
pilit na lilimutin sana'y mawala nalang


grabe minsan ang buhay kong ito sa lahat ng bagay salat ako
pilit kong pinagtatagpo mairaos lamang ang araw na ito
pero minsan nama'y sobra at nag uumapaw pa
ang mga biyaya na bigay niya


di lang mawala na ako'y magtanong ng "bakit?"
bakit ganito? bakit ganun? kadalasang tinatanong
nitong aking isip sa ating panginoon
bakit po o diyos ko ang buhay ganito?
bakit kailangang maranasan namin ito?

may bumulong sa akin ang kanyang wika
anak wag mag alala ikaw rin ay lalaya
mga hinaing mo'y matatapos din
kung ang mga utos ko lang ay tutupdin

ako ngayo'y nag iisip sa mga narinig ko
sa ating panginoon na nagwika nito
sya daw ay sundin ko't magkakatotoo
lahat ng hiling ko'y ipagkakaloob nito

ngayon sa panginoon ang sinabi ko
o diyos ko po ipagkaloob mo
ang kapayapaan sa buhay na hiling ko
para sa aking pamilya rin na bigay mo

ito lamang ang aking nais para sa sarili
ang kapayapaan sa buhay wala ng hahalili
higit pa sa salapi ang halaga nito
kapag kanyang ibinigay ay lubhang kay saya ko

sana o sana ang araw na ito ay matapos na
upang masilayan ang bagong umaga
nawa'y kapayapaan sa buhay matamo na
upang lahat tayo ay maging masaya na

lahat ng lungkot ating mararamdaman
dahil ito ay bigay ng magkapal upang ating maranasan
ang hirap ng buhay na kanya ding dinaanan
bago nakamtan ang tunay na kapayapaan

di nya ibibigay ang mga bagay na ganito
kung di natin kayang malampasan ito
kung ito ay ating mapagtatagumpayan
tyak mo ng mararanasan ang kaginhawahan

ang haba na nitong sinulat ko mga kapatid ko
upang mailahad ang naramdaman ko sa araw na ito
sabi ko nga sa sarili ko kani kanina lamang
gagawin ko ito maibahagi lamang sa inyo ang saloobin ko

stryke

12:38am 10 august 2009
Back to top Go down

 Similar topics

-
» Fugitive robber confesses to 25-year-old crimes for 'peace of mind'.
» The Psychopathology of the Liberal Mind
» Sorry Baby, I Changed My Mind....
» Boer War Memorial / Peace Medal
» "Rest In Peace" Chief Justice Roy Moore...
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

peace of mind!!! :: Comments

avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Tue Aug 11 2009, 08:39 by meanne
thanks sa sharing bro..
nakaka gaan ng pakiramdam yung mai-share mo kung anu yung bigat na nararamdaman mo..
keep it up! kaya mo yan
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 20:01 by stryke
actually nung sinusulat ko yan ang bigat ng loob ko nung matapos na parang nakahinga na din ako
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 15:19 by Ailou
Sad naman,minsan ganyan din ako,dumadaan talaga sa buhay ng tao ang lungkot saka yung problema ..kaya mas maganda yung ganyan nasasabi mo nasa loob mo,atleast may nakakadinig ,nakakaluwag yan ng saloobin, ok smiley
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 14:30 by blushy
wowww stryke ganda nman neto..

pagkabasa ko ng tula mo nag isip din ako para sa sarili ko
bigla na lang kumudlit sa isip ko na teka nga parang nakakalimutan ko na yata ang makipag usap kay lord sobrang nalilibang na ko sa mga ginagawa ko sa raw araw..tumimo sa isip ko ang sinabi mo sa tula na "may bumulong sa akin ang kanyang wika
anak wag mag alala ikaw rin ay lalaya
mga hinaing mo'y matatapos din
kung ang mga utos ko lang ay tutupdin" kung mag utos nyay akin tutupdin para makamit kuna ang aking hinihiling...teka oras na yata para magpakabait na ko salamat sa mensahe mo nagising ako sa ilang minutong pagkakatulog...simula ngayun pray na ulit ako..
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 09:00 by stryke
hehe nice one tol ringo thanks mama daryll
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 08:56 by RINGO STARR
Sus! ano man ang nasa loobin mo ay isang kathang isip lamang na iyong natatamo, akala mo lang malungkot ka pero kung isipin mo na masaya ka magagawa mo rin, kaya nga meron tayong sinasabi na color your world at ang iba naman meron sariling mundo lots of laugh Bakit? dahil ito ang tanong na kailangan mong ipaliwanag at hindi lang bakit kahit "paano" iyan naman ay guni guni sa iyong isipan ibig sabihin may pag-iisip ka, dapat lang talaga ilabas kung ano man sa loobin mo bahala ka ikaw rin maging mumu na iyan sa isipan mo, baka isipin ni sisa ikaw iyong nawawala niyang kapatid lots of laugh kapag lagi iniisip mo ay tagumpay ay siyang iyong matatamo, kapag inisip mo wala kang peace of mind ay siyang iyong makamtan rin just stay focus to positive side always and he will direct you to the right path...
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 06:39 by daryll
galing galing naman talaga ni papa stryke clap

hay buhay nga naman kay hirap spellingen ... iisipin nalang natin lage na sa lahat ng problemang dumating sa atin ay may solusyon at magtiwala lang tayo sa KANYA and everything will be ok ok smiley
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 05:21 by stryke
love you too sis actually love ko kayo lahat hehe laki ng heart ko no na accommodate lahat kayo
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 05:19 by marijo_lovesu
heee heeee sorry wah di kuh na reply ung text muh at pm muh sa akin kagabi hehehe.. nakatulugan kuh ung laptap koh weh hahahaha...

...............stryke na hunk... problems makes our life colorful and yet meaningful..

................................in striving in our life.. problems are the spices to make our faith in GOD to be STRONG... and to make us a better person.. love u bro...... a kiss
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Mon Aug 10 2009, 04:52 by Jhoanna
Malungkot ka pala bro, tara punta tayo sa farm town harvest tayo. ok smiley joke nice one. Meron ka palang lihim na pagkamakata! blushing
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Sun Aug 09 2009, 22:20 by stryke
di naman sis di ko masyado maexpress sa english eh
avatar
Re: peace of mind!!!
Post on Sun Aug 09 2009, 22:18 by Lady_Spy
dumadalas yata pagiging makat mo kuya ha clap nice one smile
Re: peace of mind!!!
Post  by Sponsored content
 

peace of mind!!!

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: KP Bloggers-
Jump to: