HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Buhay OFW.......

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ken_saudiboy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2009-08-19
Reputation : 15

20090915
PostBuhay OFW.......

Talagang mahirap dito sa ibang bansa lalong-lalo na pag may mga iniisip tayong mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Akala kasi ng mga kapamilya natin diyan na sobrang ganda dito ng buhay namin bilang isang OFW. May mga pagkakataon talaga na iiyak ka na lang dahil maaalala mo ang iyong asawa at pamilya. Akala ng mga kapamilya natin diyan sa Pilipinas na pinupulot lang namin ang bawat salapi na ipinadadala namin buwan-buwan sa inyo. Mahirap at talagang sakripisyo. Walang araw na maiisip mo talaga ang mga MAHAL mo sa buhay diyan Pilipinas. Akala nila na pagnagkakasakit kami dito, may mahahagilap agad kami na mga katrabaho at kasamahan para magpasama sa klinika. Akala nila na kapag sumasakit ang likod mo sa gabi, may magbibigay kaagad ng masahe o hilot sa bawat parte ng aming katawan. Akala nila tuwing may mahahalagang okasyon katulad ng PASKO, Bagong taon, Pista, birthday natin o birthday ng mga kakilala natin dito ay nagsasaya tayo pero hindi nila alam na dun sa mahahalagang araw na iyon, nasa isang tabi o kuwarto lang tayo para isipin kung gaano kasaya sa Pilipinas sa mga oras na iyon. Malaking sakripisyo talaga ang ginagawa namin dito para lang mabigyan natin ang pamilya ng magandang hinaharap. Kaya sana iyon din ang maunawaan ng mga kapamilya natin diyan sa Pilipinas. -----(see full post on LOVE & MARRIAGE: Eyes Here....)


Last edited by ken_saudiboy on Thu Sep 17 2009, 13:13; edited 1 time in total
Back to top Go down
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

Buhay OFW....... :: Comments

avatar
Re: Buhay OFW.......
Post on Thu Sep 17 2009, 01:24 by ken_saudiboy
Hay katapusan na naman ng buwan...."Magkanu kaya ang palitan ngayon? Sana mataas naman ang palitan ng PESO para medyo malaki-laki ang padala ko sa Pinas". Ito ang mga kataga at nasa sa isip natin tuwing nalalapit ang sahod.

Talagang sakripisyo lang tayo mga kabayang OFW, dahil sabi nga nila, tayo ang mga bayaning-buhay sa ating bansa. Hindi lang PAMILYA ang natutulungan natin kundi pati na ang ating minamahal na inang BAYAN... Hay!!!! sarap naman pakinggan kung ganun ang turing sa atin, mga BAYANI ng ating lahi. smile
avatar
Re: Buhay OFW.......
Post on Wed Sep 16 2009, 20:07 by Lady_Spy
kahit saan ka naman pumunta mahirap talaga lalo na pag hiwalay ka pa sa mga minamahal mo... pero ganyan talaga ang buhay kailangan mag-sacrifice minsan..
avatar
KINGFLOKS
Post on Wed Sep 16 2009, 19:52 by KINGFLOKS
b] GANUN TALAGA ANG BUHAY MGA PAREKOY SABE PA NGA NI KUYA KIM " ANG BUHAY AY WEATHER2X LANG" MATANG LAWIN HEHEHE JUST BELIEV E IN UR SELF AND PRAY ALWAYS .....TANX
avatar
Re: Buhay OFW.......
Post on Wed Sep 16 2009, 14:55 by RINGO STARR
tama iyan bok but we must learn to sacrifice for the sake of your family kung wala kang maibigay pasensiyahan na lang dahil hindi naman natin pinupulot ang pera rito, buti sana kung pwede natin maisanla ang gold na lumalabas sa atin katawan lots of laugh
Re: Buhay OFW.......
Post  by Sponsored content
 

Buhay OFW.......

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: KP Bloggers-
Jump to: