HomePortal**GalleryFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Delayed Jealousy

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
wholesome_guy
Haligi ng Konek
 Haligi ng Konek
avatar

Gender : Male
Date Joined : 2008-11-18
Reputation : 28

20100208
PostDelayed Jealousy

Taong 1983. Dumating ang Tatay ko mula sa hindi nya natapos na kontrata sa Saudi. May dala syang hindi kalakihan na Casio Keyboard. Sa panahon din na yun ay paminsan minsan pumapasyal sa amin ang aking mga Tito para tumugtog. Madalas din inuuwi nila ang pasalubong na instrumento ng aking Tatay.

Nakakatuwa silang panoorin. Hindi matawaran ang husay nila kahit pa sabihing wala silang formal training at pakapa-kapa lang. Palibhasa mga gitarista kaya may likas na husay sa musika. Tahimik na may buong paghanga ko lang sila pinapanood. Kapag tapos na sila saka ako sisingit at pilit na ginagaya ang ginagawa nila. Hanggang sa tumagal ay kahit papaano natutuhan ko ang ilan sa mga piyesa ng aking mga Tito.

Paslit pa lang ako nun kaya wala sa isip ko na iyon ay seryosohin. Para sa akin iyon ay laro lamang. Ganun pa man kahit papaano ay hinangaan ako sa taglay kong musmos na talento.

Isang araw nabigla ako ng may kinuhang private tutor ang Tatay ko para turuan mag keyboard ang mas nakaka-bata ko na kapatid na hindi ko naman nakitaan ng interest sa pag tugtog. Hindi naman ako nagdamdam. Ni katiting na sama na loob ay wala. Pero sa likod ng murang isipan ay merong malabong tanong na hindi ko mabuo.

Simula nun ay dumalang na ang aking pag tipa. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa pag aaral ng kapatid ko o sa madali't salita hindi ko na inalam dahil ang atensyon ko ay napunta sa ibang laro kasama ang aking mga kaibigan at kaklase.

Hindi nagtagal ay binenta ng Tatay ko ang keyboard. Tandang tanda ko na isang beses sinabihan ko sya na huwag. Pero wala din nangyari.

Lumipas ang mga taon ay muli nag abroad ang aking Tatay.

Nung nasa college na ako binilhan uli kami ng Tatay namin ng keyboard. Kaperas na tatak pero mas malaki at maganda kaysa sa nauna. Pero hindi lumaon ay nabenta din. Nakwento ko nga sa isang kaibigan ko kailan lang, na ang mga gamit namin dati ay hindi nasisira pero hindi din nagtatagal. Natawa sya kasi nakuha nya agad ang ibig ko sabihin.

Kamakailan lang ay dumating ang kapatid ko mula sa gitnang silangan. May dala sya na Yamaha Keyboard na pinangako nya sa akin bago pa sya umuwi ng Pinas. Mas malaki. Mas maganda. Pero Tinanggihan ko. Sabi ko sa bunsong kapatid na lang namin kasi bata pa, magaling mag gitara at may potential. Pero ayaw ni bunso. Gitara lang ang gusto nya. Kahit ano pa ang sabihin ko na pag aralan nya kahit konti ay ayaw. Kaysa naman walang gumamit sinabi ko sa kapatid ko na akin na lang. Pumayag sya. Para sa akin naman daw talaga yun.

Nakakatuwa. Ang kapatid ko na binigyan ng private tutor ng aking Tatay ay sya din na kapatid ko na nag regalo sa akin ng unang instrumento na minahal ko.

Sa tulong ng internet madaming paraan para matuto. Nandyan ang youtube na may mga nagkalat na videos para sa detailed and step by step piano tutorials. Pero sa tigas na ng mga daliri ko ay napakahirap ng tumipa. Sabagay tanggap ko naman sa sarili ko na libangan na lang talaga. Sinabi ko sa sarili ko na siguro kung tinuloy tuloy ko nung bata pa ako baka sakali siguro ay kahit papaano ay humusay ako.

Sa ilang araw na dumaan habang ginagamit ko ang bago kong laruan ay bigla pumasok sa isip ko yung pangyayari nung bata pa ako. Lumiwanag ang dati na malabong tanong na hindi nabuo nung ako ay musmos pa. Kung bakit ang mas nakakabata ko na kapatid ang binigyan ng pagkakataon sa bagay na aking pinagka-interesan? Muli ko naalala yung panahon na yun na hindi ko naman kinasama ng loob pero pagkatapos ng dalawampu at pitong taon ay ngayon ako bigla nakadama ng konting selos.

Pero ok na ako ngayon. Promise!

lots of laugh
Back to top Go down

 Similar topics

-
» Libel case delay
» trial delayed to january
» Payout on flight delay under EU rule may spark more claims
» News Report ~ Canadian Forces' armoured vehicle program delayed again
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

Delayed Jealousy :: Comments

avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Thu Feb 25 2010, 11:17 by RINGO STARR
Dont worry WG kung alin man ang inaarte mo sa tatay mo noon hope sa mga anak mo alam mo na gagawin kong nag iinarte rin sila tulad ng inaarte mo noon grin/emo
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Sun Feb 21 2010, 22:02 by wholesome_guy
sanibabe wrote:
once you get to share your feelings , its a sign na you get over it na... congrats

Aww! Eksakto!

Thanks a lot bro!

Pero ulitin ko uli lang ha? In fairness naman kay Tatay, generally naging fair naman sya sa amin magkakapatid. Maarte lang siguro ako. Hahaha.
Re: Delayed Jealousy
Post on Sat Feb 20 2010, 23:18 by sanibabe
once you get to share your feelings , its a sign na you get over it na... congrats
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Sat Feb 20 2010, 21:24 by wholesome_guy
Waaaaaaaaa!

lots of laugh

Ewan ko lang din Tol Sani. Pero siguro nga meron konti pero di ko lang pinansin kasi bata pa ako nun. Pero ok na ako ngayon. Promise. lots of laugh
Re: Delayed Jealousy
Post on Wed Feb 17 2010, 19:06 by sanibabe
.... bat ang mga guys ng konek tamang EMO.. lots of laugh

IMHO ... di naman delayed jealousy yang naramdaman mo WG... the time na nangyari yun.. meron ng SELOS/INGGIT... kase kung wala lang yun sayo.. di magbabago yung hilig oh basta basta lang madidivert sa ibang bagay yung talagang hilig mo... its your way (sign of protest) para kahit pano to ease yung pain na na felt mo that time.. di mo man maamin.. but its deep within you.. kaya nga until now ... parang fresh na fresh pa rin sayo ang bawat detalye di ba....???


parang second childhood na yan tol WG.. so funny so funny rolling 4 laugh grin/emo
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Mon Feb 15 2010, 23:21 by wholesome_guy
Di ko nga alam kung bakit delayed eh. Na kyutan lang siguro ako sa naisip ko na title.

lots of laugh
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Mon Feb 15 2010, 08:42 by marijo_lovesu
thinking ui WG bakit late ung pagseselos muh? after 27 years pa bago ka nagselos? thinking
...........anoh ung bigla muh naisip now.. na during dat time na nangyari un ay di ka nagselos? thinking
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Sun Feb 14 2010, 21:41 by wholesome_guy
RINGO STARR wrote:
Ano iyon di ko ma gets hehehehe akala ko tungkol sa piano/organ ang pinag usapan tapos in the end SELOS naman hehehehe... kala ko naman ang lesson na kukuha mo ay tungkol sa pag bili ng piano/organ at sa pag benta ... at eto nag papatunay lang na ang lahat ng bagay ay may silbi pra mapunuan ang ano man alintuntunin or pangangailangan natin sa buhay... that things is just temporary...

Buti na lang ako walang pag seselos sa kapatid ko pag christmas meron silang lahat regalo ako ang tagabalot ng regalo nila pero ako wala... kala ko ganoon ang istorya mo para magselos ka hehehehe....

lots of laugh

Unang una salamat sa comment at sa pag-basa mo.

Pangalawa sorry kung di mo na gets. lots of laugh

Pangatlo hindi ako ang bumili at nagbenta ng organ. lots of laugh

Pang apat... Kung may lesson man siguro ako na gusto ko parating sa makakabasa na makakagets eh yung suportahan natin kung ano man ang pinagkaka-interesan ng mga anak. Sorry uli di mo na gets. lots of laugh

Anyway...

Medyo nagdalawang isip ako post itong sinulat ko kasi nga baka mapag isipan na hindi fair si Tatay ko. Pero in fairness naman sa kanya eh naging mabuti at responsable naman sya sa amin magkakapatid. Mabigat din yung sinakripisyo nya para mapag aral kami. Siguro kaya lang din tuluyan ko post ito eh para sa mga parents na suportahan kung ano yung gusto ng mga anak. Saka susmaryosep. Tampong purorot lang yun. Kaya nga sabi ko sa huli promise ok na ako eh.

Bow!

lots of laugh
avatar
Re: Delayed Jealousy
Post on Sat Feb 13 2010, 11:56 by RINGO STARR
Ano iyon di ko ma gets hehehehe akala ko tungkol sa piano/organ ang pinag usapan tapos in the end SELOS naman hehehehe... kala ko naman ang lesson na kukuha mo ay tungkol sa pag bili ng piano/organ at sa pag benta ... at eto nag papatunay lang na ang lahat ng bagay ay may silbi pra mapunuan ang ano man alintuntunin or pangangailangan natin sa buhay... that things is just temporary...

Buti na lang ako walang pag seselos sa kapatid ko pag christmas meron silang lahat regalo ako ang tagabalot ng regalo nila pero ako wala... kala ko ganoon ang istorya mo para magselos ka hehehehe....
Re: Delayed Jealousy
Post  by Sponsored content
 

Delayed Jealousy

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Konek Pinoy: A Place where Everybody Cares! :: RECREATION :: KP Bloggers-
Jump to: